Pagkatapos ng pagbabasa sa blog na ito, ang
mambabasa ay inaasahang:
- Malaman
ang kasaysayan at buong kwento ng Ibong Adarna
- Makilala
ang bawat tauhang bumubuo sa korido
- Mabatid
na ang Ibong Adarna ay isa sa mga pinaka-mahalagang yaman ng Panitikang
Pilipino
Ibong Adarna
Isang koridong isinulat ni Jose dela Cruz (na kinilala sa taguring Huseng
Sisiw) noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa
pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang
Berbania . May mala-epikong
istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan,
pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na
nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang
karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang
kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya
sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at
pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora. May ilang mga kritiko
ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz
o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.
Kasaysayan
Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga
kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi
orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na
nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay
nakarating sa Mehiko at hindi nagkalaon ay nakaabot sa
Pilipinas. Kung titingnan,ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong
bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda
nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido,
ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:
§ Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang
bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,
§ Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di
isinama sa pagpapalathala,
§ Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang
maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng
nauna sa kanila at,
§ Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng
korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang
kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
Nagsimulang maging popular ang Ibong Adrna sa mga
bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa kaya't iilan
lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay
itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro.
Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya
ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong
1949.
Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José dela
Cruz (o Huseng Sisiw),
isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna. At dahil nga
hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan
nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo
mismo sa Pilipinas.
Mga Tauhan
Don Fernando
Si Don Fernando ang ama ni Don Juan , Don Pedro at Don Diego.Ang
kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay nagkasakit sa simla nang storya
dahil napanaghinipan niya na pinatay ang kanyang bunso na si Don Juan. Ang
magpapagaling lang sakanya ay ang Ibong Adarna na hahanapin nang tatlong
magkakapatid.
Don Pedro
Si Don Pedro
ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Siya din ang pinakaunang naghanap sa
Ibong Adarna ngunit hindi nagtagumpay. Si Don Pedro ay isang masamang kapatid.
Noong iniligtas siya ni Don Juan , pinagtaksilan nila nito ni Don Diego.
Binugbog nila at iniwan si Don Juan upang ipalabas sa hari na sila ang nakakuha
nang Ibong Adarna. Si Don Pedro din ang nagplanong pakawalan ang Ibong Adarna
habang si Don Juan ang nagbabantay. Siya din ang pumutol sa lubid ni Don Juan
noong paakyat siya nang balon. Inagawa din niya ang babaing iniibig ni Don Juan
na si Donya Leonora , ngunit siya ay tinangihan dahil si Don Juan ang tunay
niyang mahal.
Donya Leonora
Si Donya
Leonora ang isa sa mga iniibig ni Don Juan. Siya ay iniligtas ni Don Juan sa
kanilang palasyo pagkatapos niya sagipin ang kapatid ni Donya Leonara na sa si
Donya Juana. Si Don Pedro din ay may gusto kay Donya Leonora , ngunit ang tunay
niyang mahal ay si Don Juan kaya kahit anong pilit ni Don Pedro , hindi ito
gumagana. Si Donya Leonara din ang ipinakasalan ni Don Juan noong nakalimutan
niya si Donya Maria.
Arsobispo
Siya ang nagkasal kay Don Juan at Donya Leonora.
Don Juan
Si Don Juan
ang Pangunahing Tauhan sa Ibong Adarna, siya ay nakipagsama sa tatlong
iba’t-ibang babae. Isang Prinsipe ng Berbanya at anak ni Don Fernando at Donya
Valeriana, kapatid ni Don Diego at Pedro(Bunso).
Don Diego
Si Don Diego
ang ikalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Asawa ni Donya Juana,
pinakatahimik sa magkakapatid.
Donya Maria
Si Maria ang anak ni Salermo at nakatira sa de
los Cristales.Asawa ni Don Juan. Marunong gumamit ng Mahika
Ibong Adarna
Isang Ibon
na may mahika na makakapaggaling ng mga tao pero ang dumi nito ay ginagawang
bato ang mga tao
Donya Juana
Si Donya
Juana ang kapatid ni Donya Leonora, unang iniligtas ni Don Juan sa balon pero
naging asawa ni Don Pedro.
Donya
Valeriana
Si Donya Valeriana
Ang asawa ni Don Fernando at ina nina Pedro, Diego at Juan.
Haring Salermo
Siya naman
ang hari ng Reyno de los Cristales. Ayaw niya ibigay ang anak niya, si Donya
Maria sa mga lalaki. Nakakapaggamit din ng mahika
Ermitanyo sa Bundok Tabor
Ermitanyo na
nagtulong kay Don Juan hulihin ang Ibong Adarna at gawin normal ang kanyang mga
kapatid
Ermitanyo 2
Nagtulong
kay Don Juan para makausap ang pangatlong Ermitanyo sa pamamagitan ng
pagbibigay ng baro ni Jesus
Ermitanyo 3
Pangatlong Ermitanyo na marunong magkausap ng mga hayop sa dugat.
Nagtulong kay Don Juan hanapin ang agila na alam kung saan ang Reyno De los
Cristales
Leproso sa Bundok Tabor
Leproso na tinulungan ni Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay ng
tinapay. Tinulungan din niya si Don Juan sa pamamagitan ng pagsabi kung saan
ang Ermitanyo ng Bundok Tabor. Pareho silang tao ng Ermitanyo ng Bundok Tabor
Matanda 1
Matanda na nagsabi kung ano ang lunas sa sakit ni Haring
Fernando(Ibong Adarna)
Higante
Ang higante ay ang nagbantay kay Donya Juana sa ilalim ng balon.
Serpyente
-Ang Serpyente ay ang isa sa dalawang taga-bantay ni Donya Leonora sa palasyong
nakatago sa ilalim ng balon.
Matanda 2
Itong matanda ang tumulong kay Don Juan noong siya ay
pinagtaksilan ng mga kapatid at iniwan lamang nang bugbog at walang makain.
Mahalaga itong matandang ito dahilkung hindi dahil sa kanya ay namatay na
kaagad si Juan.
Mediko
Mediko ng Berbanya na hindi alam kung ano ang sakit ni Haring
Fernando
Juana
Siya ang isang kapatid ni Donya Maria at ang isa pang anak ni
Haring Salermo na naninirahan din sa Renyo de los Cristales.
Isabella
Siya ang isa sa mga kapatid ni Donya Maria.
Mga Tao sa Berbanya
Ang mga tao sa Berbanya ay napakamasunurin. Tahimik ang kaharian
ng Berbanya dahil lahat ng utos ng hari ay sinusunod nila. Kapag masaya ang
hari, masaya rin sila katulad noong kasal ni Diego at kapag malungkot ang hari,
malungkot na rin sila katulad noong umalis si Juan sa Berbanya upang hanapin at
hulihin ang Ibong Adarna.
Mga Tao sa de los Cristales
Ang mga tao sa de los Cristales ay naging masaya noong bumalik na
ang prinsesang si Maria at naging reyna na ng kaharian na iyon habang si Juan
naman ang hari ng kaharian.
Lobo
Ito ang kasama ni Doya Leonora sa ilalim ng balon at ito rina ang
tumulong kay Don Juan nang nahulog siya sa balon.
Agila
Ang Agila ang nag-dala kay Don Juan papuntang Renyo de los
Cristales. Ito ay nag-pangako na dadalin niya si Don Juan sa Renyo de los
Cristales nang hindi nasasaktan.
Olikornyo
Ito ang nagdala kay Juan sa pangatlong ermitanyo sa kanyang
paghahanap sa de los Cristales.
Negrito
Ito ay ang nagkaroon ng palabas noong kasal at kapag pinapalo
siya, si Juan ang nasasaktan.
Negrita
Ang negrita ay kasama ng negrito sa laro ibinigay ni Maria Blanca
sa kasalan ni Juan at Leonara. Nag-uulat ang negrita ng mga pinaghirapan
ni Juan kasama ni Maria Blanca.
Buod
Sa
isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si Don
Fernando, ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak na
lalaki. Ang pinakamatanda ay si Don Pedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang
bunso ay si Don Juan.
Isang
gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang
panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan
na sya daw ay inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan,
ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit
walang makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo ang dumating at
nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong
Adarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng
Tabor.
Isinugo
ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang
una ay si Don Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa
paghahanap sa Ibong Adarna. Dahil sa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa
ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga dahon na parang diamante. Kapag
dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay umaawit at pagkatapos ay
umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang prinsipe, sila'y
naging bato.
Lumipas
ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito
natakot si Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil
baka magkatotoo ang kanyang panaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin
ang Ibong Adarna.
Samantalang
si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang
ketongin na humingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang
kalooban, ibinigay nya ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang
lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan sya ng ketongin kung papaano
matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit na bahay
malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya
ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda
na huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.
At
nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa
bahay ng ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya
na ang pagkain na inaalok sa kanya ay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang
ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan na ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa.
Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at
gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan
sugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang
hindi sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot
pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong Adarna,
dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.
Naging
matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng
matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay
sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang
buhusan nya ito ng tubig ayon sa ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga
ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang
masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng
kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng
malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari.
Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang ibon.
Samantala,
nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap
mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot
hanggang gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian
nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong
mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din
gumaling ang hari.
Nais
ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa
kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap
na rin ni Don Juan.
Ngunit
isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi
namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon
papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa
bundok ng Armenia dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon.
Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don
Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik,
isang araw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si
Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang
napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang
prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na
may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil
doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't
naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan
ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon
ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at
sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo
upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.
Nang
makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa
Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman
ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha
na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya,
nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna.
Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas
magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng
Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng
Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa
ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong
ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa
ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa
tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian.
Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay
maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at
pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng
isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na
layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang
kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.
Sinubok
ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni
Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok,
pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may
mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa
ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang
paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay
kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing
ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng
hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing
ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi
nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng
Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na
ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit
hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na
daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni
Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at
kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan
ni Juan at pakakasal sa iba.
Dagling
umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at
Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng
kaharian. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit
kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora
at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng
dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni
Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni
Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang
nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay
nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.
Pagkaraan
nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal
na Hari at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao,
makatarungan at makaDiyos na pamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng
taong-bayan.
Narito ang
ilang mga halimbawa ng digital stories
ng Ibong Adarna na maaaring panoorin at gamitin:
“Ang
pamamahal sa Panitikan natin ay pagpapakita narin ng pag-mamahal sa sariling
atin.”
-cheldelacruz